Xmas text scam laganap
NAGBABALA si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa publiko laban sa bagong modus operandi ngayong Kapaskuhan ng isang sindikato na ginagamit ang Senado bilang bitag para makahikayat ng mga biktima sa kanilang text scam.
“Nakalulungkot na ilang tao ang bumabastos sa diwa ng Kapaskuhan at integridad ng Senado bilang institusyon para lang magkamal ng pera mula sa mga inosenteng cellphone users. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi natin masisisi ang publiko na samantalahin ang pagkakataon para kumita ng pera pero dapat silang mag-ingat pagdating sa mga alok ng ma-daliang kuwarta ,” ani Revilla.
Ito ang apela ng senador matapos makatanggap ng ulat mula sa Office of the Senate Sergeant-At-Arms (OSAA) na ilang tao na ang pumunta sa Senado upang kubrahin ang umano’y kanilang premyo mula sa isang text raffle draw.
Base sa ulat, sa pamamagitan ng text ay inimpormahan ang mga “winners” na nanalo sila ng P800, 000 mula sa isang electronic raffle draw kung saan ang kanilang cellphone number ang napili bilang winning number. Nakasaad sa text message na may Department of Trade and Industry (DTI) permit ang naganap na bolahan na organisado ng Philippine Charity Foundation.
Ang mga text recipients ay inabisuhang tawagan ang isang Atty. Rey Osmeña para makuha ang kanilang panalo sa Room 506 o Room 508 sa ikalimang palapag ng Senado. Ang opisina ni Senador Revilla ang siyang umookupa ng Room 506 habang nasa Room 508 ang tanggapan ni Senador Richard Gordon.
Ayon kay Romeo Baal Jr., isang 27-taong-gulang na security guard at residente ng Bulacan, natanggap niya ang text message noong nakaraang Disyembre 10 at tinawagan niya si Osmeña noong Disyembre 11 para makuha ang kanyang premyo. Sinabihan siya ni Osmeña na tumungo sa Senado ngunit binilinan na tumawag muna bago tumuloy sa kanyang opisina sa ikalimang palapag.
Pumunta kahapon si Baal sa Senado at gaya ng binilin sa kanya, sa labas ay tinawagan niya si Osmeña na pinaalala sa kanyang huwag pumasok sa loob ng gusali at hintayin na lamang ang tauhan nito na siyang magbibigay ng tseke na kumakatawan sa kanyang panalo.
Ngunit bago matapos ang kanilang usapan, inutosan siya ni Osmeña na bumili ng dalawang cellphone loadcards at tumawag ulit para sa mga susunod na instructions. Dito na nagduda si Baal kaya tumuloy siya sa Senate lobby upang iberipika kung mayroon talagang Atty. Osmeña na nagtratrabaho sa Senado. Nalaman niyang hindi pala totoong pangalan ito at may dalawang iba pang tumungo sa Senado para kunin ang sinasabing premyo nila.
Pinayuhan ni Revilla ang publiko na pairalin ang pag-iingat sa pagtanggap ng mga text communications mula sa mga hindi kilalang senders kahit binabanggit sa mensahe ang pangalan ng isang foundation, mapagkakatiwalaang personalidad at institusyon ng gobyerno.
“Napakadaling mag-name drop ng isang opisyal ng pamahalaan o institusyon ng gobyerno para makakuha ng kredibilidad. Una, dapat tandaan ng publiko na hindi ka mananalo sa anumang contest kung hindi ka sasali. Yun ang karaniwang patakaran,” pinunto niya.
Sinabi ng mambabatas na kanyang hihilingin sa National Telecommunication Commission (NTC) na i-block ang cellphone number na ginagamit sa panloloko at maghanap ng posibleng panukalang maaaring isulong para maiwasan ang ganitong gawain.
“Ngayon, maaari kang makabili ng murang simcard. Tiyak na itatapon na lang ng mga sindikato ang kanilang simcards matapos makapambiktima ng maraming tao. Maaaring makatulong ang obligadong pagrehistro ng mga simcard para masugpo ang ganitong raket,” paliwanag ni Revilla.
Nangako ang OSAA na hihilingin sa Office of Senate Secretary na mag-isyu ng advisory hinggil sa nasabing panloloko.
“Nakataya dito ang integridad ng Senado. Sa ibang tao, ang pagbabalewala lang sa mga text scams na ito ang mabisang solusyon. Paano naman iyong madaling maniwala sa mga text messages? Mag-aaksaya pa sila ng oras at pamasahe sa akalang makakauwi sila ng bahay na may pera matapos na makuha ang kanilang premyo sa Senado. Mas mabuting gumawa ng formal advisory para mas maraming tao ang mamumulat,” binigyang-diin ni Revilla. MARLON PURIFICACION

Labels: text scam
0 Comments:
Post a Comment
<< Home