Libreng text iginigiit ng Kongreso
IPINUPURSIGI na sa Mababang Kapulungan ngayon ang panukalang maging libre na ang singil sa mga Short Messaging System (SMS) o text message sa bawat mobile phone sa bansa.
Ayon kay House Speaker Prospero Nograles, inatasan na niya ang House Committee on Legislative Franchise; Committee on Information and Communications Technology and Oversight Committee para bulatlatn ang panukalang legislative franchise.
Ipinalabas ang kautusang ito ni Nograles kasabay ng pagpapalabas ng suporta sa panukala ni Transportation and Communication Sec. Leandro Mendoza para sa mga libreng text message.
“I fully support Secretary Mendoza’s proposal to make SMS free of charge. I will immediately direct our committees on franchise, oversight and telecommunications to look into it and review the congressional franchises of these telecoms companies,” sabi pa ni Nograles sa kanyang press statement kahapon.
Ayon sa mambabatas, malaking tulong sa bawat Pinoy ang nauusong ‘text’ sa cellphone, lalo na iyong mga tumatangkilik sa makabagong teknolohiya para magamit sa mga personal at panghanapbuhay nilang pangangailangan sa larangan ng komunikas-yon.
“We have to review the specifications of their franchise. We are in the middle of a very difficult economic situation and it will be a great help if we can remove the use of SMS from their daily budget,” dagdag pa nito.
Sa tantiya ni Nograles, umaabot sa P25 hanggang P60 ang nagagastos ng bawat cellphone subscribers ngayon para lamang sa pakikipag-text araw-araw. Ang halagang ito aniya ay katumbas na ng dalawang kilo ng bigas o 10 pakete ng instant noodles.
Ayon pa kay Nograles, dahil sa walang puknat na pagtaas ng presyo ng krudo at langis sa bansa, mas-yadong mabigat na para sa pasanin ng mamamayan kung pati ang mga text message ay nasisingil pa ng mga telecommunication companies.
Dahil dito, sakaling mapag-aralan ang lahat ng butas sa prangkisa ng mga telecom companies sa bansa, maaari aniyang maamyendahan ang batas para maging libre na ang bayad sa text. By: Marlon Purificacion - Journal online

0 Comments:
Post a Comment
<< Home