Olongapo Telecom & Information Technology

Monday, July 07, 2008

Dagdag na pondo sa info tech ng RP isinusulong

PINOY ang susunod na magiging Bill Gates.

Ito ang sinabi kahapon ni Senadora Loren Legarda matapos ihayag na malaking tulong para sa IT industry ang isinusulong niyang P1 billion IT Venture fund sa taong 2008.

Ayon kay Legarda, isinumite niya ang Senate Bill 2418 para lalo pang maging “competitive” ang mga Pinoy sa larangan ng information technology sa buong mundo.

Nangangailangan aniya ito ng malaking puhunan na siyang dapat ibigay ng isinusulong niyang IT ventures fund.

“Some of the best software developers and computer engineers in the world today are Filipinos. However, many have been lured abroad by high-paying jobs, thus depriving the country of honest-to-goodness opportunities to really make it big in the IT world,” ani Legarda.

Sinabi ng senadora na sa halip aniyang manatiling empleyado na lamang sa isang IT company ang mga kababayang Pinoy sa labas ng bansa, mas maganda umano kung sila ang ang magiging boss sa pamama-gitan ng pag-develop ng mga proyektong ganito.

Tulong lamang aniya ng pamahalaan ang kailangan upang higit na makita ang galing ng Pinoy sa larangan ng pag-imbento o pagpapaunlad pa sa negosyo na may kinalaman sa teknolohiya tulad ng computer industry. Marlon Purificacion - Journal online

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home