Olongapo Telecom & Information Technology

Saturday, June 17, 2006

5 taong kulong sa magkakabit ng ilegal na cable TV, Internet

GAGAWIN nang kasong kriminal ang ilegal na pagkakabit ng internet at cable television.

Inaprubahan na ng House committee on information communications technology ang House Bill (HB) No. 4665 na iniakda ni Cebu Rep. Simeon Kintanar upang papanagutin ang mga magnanakaw ng serbisyo ng internet at cable television.

Inirekomenda na ng komite na talakayin sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukala.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng hindi bababa sa dalawang taong pagkakabilanggo at hindi lalampas sa limang taong pagkakakulong o multang P50,000 hanggang P100,000 ang sinumang lalabag.

Naniniwala si Kintanar, chairman rin ng komite, na malaki ang maitutulong ng panukala upang lalong mapahusay ang serbisyo at maiwasan ang pagkalugi ng mga kompanya na nagbibigay ng trabaho.

Tinukoy ni Kintanar ang kadalasang pagkasira sa reception ng serbisyo sa Internet at television cable dahil sa ilegal na koneksiyon.

Sinuportahan ang panukala ng Federation of International Cable Television Association of the Philippines (FICAP), Philippine Electronics and Telecommunications Federation, Inc. (PETEF), Philippine Cable Television Association (PCTA) at SkyCable.

Ryan Ponce Pacpaco
Taliba

0 Comments:

Post a Comment

<< Home