Olongapo Telecom & Information Technology

Monday, September 03, 2007

6 taong kulong sa ‘sex on phone’

By: Marlon Purificacion - Journal online

MAKUKULONG ng anim na taon ang sinumang mahuling nakikipag-sex sa phone!

Ito’y sakaling aprubahan ang Anti-Dial-A-Porn Act na inihain ni Senador Jinggoy Estrada upang bigyan ng sapat na kaparusahan ang mga taong nagbibigay at nahuhumaling sa ‘phone sex services.’

Ipinaliwanag ni Estrada sa kanyang Senate Bill 400 na mahalagang industriya sa bansa ang telecommunications pero marami naman ang umaabuso sa paggamit nito kaya nauso ang “dial-a-porn” kung saan kinakalakal ang mga babae na parang paninda sa talipapa sa pamamagitan ng telepono.

“The use of telephone provides convenience to the users from all parts of the globe. This technology, however, is being abused and we have seen the commercial use of telephones for providing phone-sex services which are often referred to as ‘dial-a-porn’ service providers,” paliwanag ni Estrada sa kanyang panukala.

Ayon kay Estrada dahil sa kawalan ng batas, naglipana sa bansa ang mga nasabing service providers kung saan kasama rin ang mga pay-per-call services na patuloy na sumisira sa moralidad lalo na ng mga kabataan.

“Indeed, strict penalties and sanctions should be imposed to violators to prevent, suppress and ultimately eliminate such kinds of activities,” ani Estrada.

Nakasaad din sa panukala na ang “phone-sex business” ay ang pagbibigay ng sexually intimate, suggestive o explicit conversations sa mga callers sa ‘pay-per-call basis’.

Sa sandaling maging isang ganap na batas, ang mga mapapatunayang lalabag ay
papatawan ng parusang pagkabilanggo ng hindi bababa sa anim na taon pero hindi lalampas sa walong taon, o multang mula P10,000 hanggang P20,000, depende sa hatol ng korte.

Kung ang gagawa ay isang foreigner, agad itong ipade-deport at pagbabawalan nang muling makapasok ng bansa.

Ang Department of Tourism ang babalangkas ng rules and regulations para sa pagpapatupad ng batas.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home