Olongapo Telecom & Information Technology

Saturday, September 29, 2007

Internet cafés na may porn sites ipasasara

By: Marlon Purificacion - Journal online

NAIS ipasara ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla ang mga Internet cafe na patuloy na nagbibigay ng ‘access’ sa mga ‘child pornography websites.

Ang planong ito ng senador ay bilang suporta sa National Day of Awareness and Unity against Child Pornography ngayon.

Ayon sa senador, pinalalaki ng Internet technology ang produksyon at distribusyon ng child pornography bunsod ng simpleng “upload-download” na sistema ng pagkopya ng mga materyales.

Binigyang-diin niyang hindi lang dapat atupagin ng mga may-ari ng mga internet café ang kumita kundi pati na rin ang pagtulong sa gobyerno na maisulong ang isang child-friendly na lipunan.

“Hindi dapat abusuhin ang pakinabang ng mga modern communications system sa punto kunsintihin pa ang child pornography para lang kumita ng pera. Walang karapatang mag-operate kahit saan sa bansa ang mga internet cafes na pu-mapayag ng access sa kiddie porn at iba pang pornographic websites,” ani Revilla. “Maraming magagamit na programs na madali at ka-yang harangin ang access sa mga porn sites.”

Ito ang pahayag ni Revilla bilang suporta sa pagdeklara ngayong araw (Biyernes, Setyembre 28) ng Anti-Child Pornography Alliance (ACPA), isang Church-based group, bilang National Day of Awareness and Unity against Child Pornography.

Taumbayan kailangan

Pinuri ng mambabatas ang ACPA gayundin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa mga hakbang nito na maiangat ang kamalayan at kooperasyon ng publiko laban sa child pornography.

Pinunto pa niyang kailangan ng mga law-enforcement agencies ang tulong ng taumbayan para masugpo ang paglipana ng child pornography sa bansa.

“Pagiging mapagmasid ang magpapakita na talagang nagmamalasakit tayo sa mga bata. Bawat batang Pilipino ay may karapatan na maprotektahan laban sa exploitation sa ilalim ng child and youth welfare code. Natural sa kanila ang maglaro, pero hindi dapat sila pinaglalaruan o itrato bilang sex toy,” sabi ni Revilla.

Umapela siya sa mga lokal na gobyerno na kanselahin ang operating license ng mga internet café na pumapayag sa mga customer nito na galugarin at mag-download ng mga child pornographic materials. “Ang mga nagkasalang may Internet café owners ay kailangang kasuhan at habambuhay na i-ban na mag-operate,” dagdag niya.

Cybersex cafés dumarami
Sinabi ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na bagaman mayroong ilang datos hinggil sa child prostitution, maaring hindi ito sumasalamin sa posibleng mas malaking bilang ng mga batang nabibiktima ng child pornography.

Inulat naman ng organisasyong End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) na lumilitaw sa tala ng pulisya sa Pilipinas na tumataas ang paggamit ng mga phone ca-mera o tinatawag na “cyber-sex cafes” (kung saan pinapa-labas ang mga commercial sexual performances gamit ang web camera) para sa paglikha ng child porno-graphy.

Hanggang 20 taon kulong
Naunang inihain ni Revilla ng Senate Bill (SB) No. 12 o ang “Anti-Pornography Act” na layong magpataw ng mataas na parusa sa mga taong magpapalaganap at magpa-pakita ng kalaswaan sa pa-mamagitan ng mga tradisyunal na pamamaraan, ng Internet, ng “cyberspace”, at ng mga cellphone.

Labels: , , ,

Monday, September 03, 2007

6 taong kulong sa ‘sex on phone’

By: Marlon Purificacion - Journal online

MAKUKULONG ng anim na taon ang sinumang mahuling nakikipag-sex sa phone!

Ito’y sakaling aprubahan ang Anti-Dial-A-Porn Act na inihain ni Senador Jinggoy Estrada upang bigyan ng sapat na kaparusahan ang mga taong nagbibigay at nahuhumaling sa ‘phone sex services.’

Ipinaliwanag ni Estrada sa kanyang Senate Bill 400 na mahalagang industriya sa bansa ang telecommunications pero marami naman ang umaabuso sa paggamit nito kaya nauso ang “dial-a-porn” kung saan kinakalakal ang mga babae na parang paninda sa talipapa sa pamamagitan ng telepono.

“The use of telephone provides convenience to the users from all parts of the globe. This technology, however, is being abused and we have seen the commercial use of telephones for providing phone-sex services which are often referred to as ‘dial-a-porn’ service providers,” paliwanag ni Estrada sa kanyang panukala.

Ayon kay Estrada dahil sa kawalan ng batas, naglipana sa bansa ang mga nasabing service providers kung saan kasama rin ang mga pay-per-call services na patuloy na sumisira sa moralidad lalo na ng mga kabataan.

“Indeed, strict penalties and sanctions should be imposed to violators to prevent, suppress and ultimately eliminate such kinds of activities,” ani Estrada.

Nakasaad din sa panukala na ang “phone-sex business” ay ang pagbibigay ng sexually intimate, suggestive o explicit conversations sa mga callers sa ‘pay-per-call basis’.

Sa sandaling maging isang ganap na batas, ang mga mapapatunayang lalabag ay
papatawan ng parusang pagkabilanggo ng hindi bababa sa anim na taon pero hindi lalampas sa walong taon, o multang mula P10,000 hanggang P20,000, depende sa hatol ng korte.

Kung ang gagawa ay isang foreigner, agad itong ipade-deport at pagbabawalan nang muling makapasok ng bansa.

Ang Department of Tourism ang babalangkas ng rules and regulations para sa pagpapatupad ng batas.

Labels: ,