Mas matagal na gamit ng prepaid loads ipatutupad na—NTC
PINAAALALAHAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication companies (telcos) na ngayong araw na ito (Linggo ) ipapatupad ang panibagong panuntunan para sa pagpapahaba ng validity ng pre-paid cell phone loads.
Ngayong araw na ito, Hulyo 19 matatapos ang 15-araw na publikasyon ng bagong panuntunan ng NTC na ayon kay NTC Commissioner Ruel Canobas ay wala nang extension.
Ayon sa ulat, magiging triple ang haba ng bawat pre-paid loads, halimbawa ang P10 load na dati ay tatagal lamang ng isang araw, sa bagong panuntunan ay magiging tatlong araw na.
Kaugnay nito, sa Hulyo 23 na rin umano ipapatupad ang isa pang panuntunan ng komisyon kung saan ipagbabawal na ang mga spam messages tulad ng pagpapadala ng mga promotions at advertisements sa mga subscribers.
Aminado naman ang NTC na mababa pa rin ang ipapataw na parusa laban sa mga hindi susunod na telcos dahil ayon sa lumang batas P200 lang bawat araw ang multa ng mga kompanya kung mayroon ang mga itong paglabag. Taliba wire monitoring
0 Comments:
Post a Comment
<< Home