Internet café sinorpresa ng DSWD, MPD agents
NAGSAGAWA ng sorpresang inspeksiyon ang pinagsanib na puwersa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Manila Police District (MPD) sa mga Internet café sa paligid ng University Belt, upang alamin kung may mga menor de edad na naglalaro doon sa oras ng klase kahapon sa Quiapo, Maynila.
Nabatid kay P/Supt. Romulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3, na dakong ala-1 ng hapon nang maglibot sila sa mga Internet shops sa U-belt area, bilang bahagi ng “Oplan Sagip,” sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng DSWD na sina Arnald Punzal at Virgilio Medina, ng District III, Alvarez office, Maynila.
Sa walong Internet shops, dalawa ang nadatnang may mga kustomer na menor de edad na naglalaro sa “school hours.”
Apat na bagets naman ang nasagip sa Gigz Computer Center, na pagmamay-ari ni Oscar Valenzuela Jr., ng 515 San Rafael St., Quiapo, samantalang sa Genesis Point Internet Zone Co., sa 968 Arlegui St., ay anim na estudyante naman ang nahuli.
Kaagad na ipinatawag ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga nahuling estudyante upang ipaalam ang ginagawa ng mga ito sa oras ng eskwela gayundin ang paaralan sa kanilang pinapasukan.
Kasabay nito ay binalaan ng MPD at DSWD ang mga Internet café na mananagot sila sa pagpapasok ng mga menor de edad, lalo na kung mga oras ng eskwela.
JR Reyes - Journal online

Labels: dswd, inspection, internet cafe